Ano ang pagkakaiba ng PalawanPay App sa PalawanPay Money Shop App?
Updated
Ang PalawanPay App ay para sa mga individual users na gustong gamitin ang PalawanPay bilang personal na e-wallet. Pinapadali nito ang personal transactions tulad ng bills payment, pera padala, cash in/out, at pagbili ng load. Sa app na ito, ang mga gumagamit ay may direktang access sa kanilang sariling mga transaksyon at pondo para sa pang-araw-araw na gamit.
Samantala, ang PalawanPay Money Shop App ay para naman sa mga registered [CC1] PMS Partners, gaya ng sari-sari stores at mini-groceries, na nag-aalok ng PalawanPay services sa kanilang mga customer. Sa app na ito, ang mga PMS Partners ay maaaring mag-cash in/out, magbayad ng bills, at bumili ng load para sa kanilang mga customer, na nagdadagdag ng kita at serbisyo para sa kanilang negosyo.
Comments
0 comments
Please sign in to leave a comment.